Pangulong Duterte, binigyan ng pasadong marka ni Cong. Roque
Binigyan ni Kabayan Rep. Harry Roque ng pasadong grado si Pangulong Duterte para sa performance nito sa unang taon ng panunungkulan bilang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sinabi ni Roque na 85 o 1.75 ang grado niya sa unang taon ng Pangulo sa pwesto.
Naging mahusay aniya ang kampanya ng Pangulo sa giyera laban sa droga at naging matatag din ang ekonomiya sa unang taon ng Duterte administration.
Pero para kay Roque na aminadong tagasuporta ng Pangulo, ang extra judicial killings at usapin ng trapiko ang malaking kabiguan ng gobyerno.
Nakukulangan aniya siya sa performance ng administrasyon sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng extra judicial killings kaya hindi napapanagot ang mga tunay na killers sa likod ng mga insidenteng ito.
Hinihikayat ni Roque ang Pangulo na magpakita ng tapang at political will sa pagresolba ng dalawang isyung ito katulad ng tapang na isinakatuparan nito sa paglaban sa mga sindikato ng illegal na droga.