Pangulong Duterte, biyaheng Singapore ngayong araw para sa Asean summit

Tiyak umanong matatalakay sa 33rd ASEAN Summit and Related Summits sa Singapore ang territorial dispute sa South China Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever  Mahilum-West partikular na matatalakay ang usapin sa ASEAN-China Summit na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Assistant Secretary Mahilum-West bahagi ito ng patuloy na negosasyon tungo sa pagpapatibay ng Code of Conduct of Parties in the South China Sea.

Hindi naman masabi ni Assistant Secretary Mahilum-West kung mauungkat ni Pangulong Duterte ang weather systems ng China na itinayo umano sa tatlong artifial islands sa South China Sea.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na patuloy ang beripikasyon  ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago gumawa ng aksyon gaya ng paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Si Pangulong Duterte ay dadalo sa 33rd ASEAN Summit and Related Summits sa Singapore ngayong Nobyembre 12 hanggang 15.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *