Pangulong Duterte, dadalaw sa San Luis Pampanga para kumain ng balut at itik
Dadalaw sa San Fernando, Pampanga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Agosto 28 para personal na alamin ang sitwasyon ng mga poultry farmers sa Central Luzon na apektado ng bird flu outbreak.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, kakain din ng balut, chicken barbeque at itik si Pangulong Duterte para patunayang ligtas kumain ng poultry products galing sa nasabing lugar.
Ayon kay Piñol, layunin nitong ipakita sa publiko na walang dapat ikabahala sa pagkain ng karne ng manok dahil mismong ang Pangulo ay kumakain nito.
Kasabay nito, nilinaw ni Piñol na bawal pa ring magluwas o magbiyahe ng poultry products na nasa loob ng 7-kilometer radius sa San Luis, Pampanga.