Pangulong Duterte dapat lunukin na ang pride at tanggapin ang alok na tulong ng Amerika sa Marawi City

tril

Courtesy of Wikipedia.org

Pinayuhan ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Duterte na lunukin na ang kaniyang pride at ituring na welcome development ang tulong ng Amerika sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya alam na nagbibigay na ng tulong ang US government sa kanilang counterpart sa Marawi.

Iginiit ni Trillanes na isang malaking tulong sa mga sundalo ang Amerika lalo na isyu ng intelligence.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mabibigyan ang tropa ng pamahalaan ng accurate tactical intel at maaring matukoy ng mga sundalo ang eksaktong kinaroroonan pa ng natitirang pwersa ng Maute group at iba pang kaalyadong terorista.

Kung matutukoy kasi ang eksaktong lokasyon ng mga terorista, maiiwasan na rin ang matinding air strike na maaring pumatay pa ng mas maraming sundalo at mga sibilyan.

 “The assistance provided by the US forces in the current conflict in Marawi is a welcome development. Our ground troops could avail of accurate tactical intel for a more effective operations which would also help minimize government casualties, Duterte should just swallow his pride and be grateful about it”. –Sen. Trillanes

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *