Pangulong Duterte , desididong sumabak sa Vice presidential race kahit walang katandem sa PDP laban
Desidido si Pangulong Duterte na ituloy ang pagtakbo sa Vice presidential race kahit pa wala siyang makatandem sa Mayo.
Ito ang kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go matapos niyang tanggihan ang alok ng PDP laban na maging pambato ng partido sa 2022 elections.
Ayon kay Go, pagnagkataon magiging free for all ang kandidatura ng Pangulo .
Wala pang pahayag si Go sa statement ni Davao city Mayor Sara Duterte na inalok niya ang sarili para makatandem ng alkalde sa halalan sa Mayo.
Si Senador Sonny Angara na isa rin sa mga pangalang lumulutang at itinutulak ng ilang grupo para makatandem ni Mayor Duterte wala raw planong sumabak sa Vice presidential race.
Ayon kay Angara , nagpapasalam siya sa tiwala ng mga grupong ito pero abala siya sa kaniyang trabaho at paghahanda para sa pagtalakay sa panukalang pambansang budget sa 2022.
Si Angara ang Chairman ng Senate finance committee na humihimay sa proposed National budget na maaring masimulan na sa susunod na linggo.
Mas prayoridad niya ngayon ang pagtugon sa pangangailangan ng mga kababayan lalo na ang pagtugon sa mga benepisyo ng mga healthcare workers.
Meanne Corvera