Pangulong Duterte , dismayado sa pagtakbo ni Davao city Mayor Sara Duterte bilang Vice president sa halalan sa 2022
Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na tumakbong Vice President sa halalan sa 2022 sa pamamagitan ng substitution process.
Sinabi ng Pangulo matagal na umanong hindi sila nagkakausap ni Mayor Sara kaya ikinadismaya niya ang pagtakbo ng kanyang anak bilang Vice President sa halip na Presidente.
Ayon sa Pangulo hinihinala niyang desisyon ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos ang pagtakbo ni Mayor Sara bilang Vice President.
Inamin ng Pangulo na mas gusto niyang tumakbong Presidente su Mayor Sara at magiging Bise Presidente si Senador Bong Go.
Inihayag ng Pangulo na dahil sa hindi nasunod ang kanyang plano kay Mayor Sara ay pinatakbo niyang Presidente si Senador Go at balak niyang maghain ng kanyang kandidatura bilang Vice President ngayong araw ng Lunes ang deadline na itinakda ng Commission on Elections o COMELEC para sa substitution process sa halalan sa 2022.
Vic Somintac