Pangulong Duterte dudang tutulong ang Amerika kapag nagka-giyera ang Pilipinas at China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China sea
Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Amerika sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Palawan.
Ayon sa Pangulo sinasabi lang daw ng Amerika na tutulong sila sa bansa dahil mayroon tayong Mutual Defense Treaty.
Sinabi ng Pangulo magaling lang sa salita ang Amerika dahil sa oras na ng giyera nangiiwan ang mga Amerikano. Inihayag ng Pangulo bago makapagdeklara ng giyera ang Amerika kailangan pa ang permiso mula sa kanilang Kongreso.
Nagpahayag naman ng tiwala ang Pangulo sa Amerika pero kung dadating daw ba ang tulong nila sa takdang oras at iyon ang walang katiyakan.
Matatandaang paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo na hindi siya papasok sa giyera sa China kahit pa may isyu tayo sa pinagaagawang teritoryo sa South China sea dahil hindi sapat ang kakayahan ng Pilipinas para talunin ang dambuhalang bansa at hindi kayang isugal ng Pangulo ang buhay ng mga sundalo at pulis sa giyera sa China.
Ulat ni Vic Somintac