Pangulong Duterte dumating na sa Jordan para sa 3-day official visit
Nasa Jordan na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na Official visit.
Alas -5:17 ng hapon sa Jordan o alas -10:17 ng gabi dito sa Pilipinas nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo at ng kanyang delegasyon sa Queen Alia International Airport sa Amman.
Ngayong araw, opisyal na magsisimula ang schedule ni Pangulong Duterte kung saan unang niyang makakapulong si King Abdullah II.
Susundan naman ito ng pagdalo sa isang business forum kasama ang mga Jordanian businessmen na hihikayatin niyang mamuhunan sa pilipinas.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), inaasahang aabot sa 10 milyong dolyar ang halaga ng mga malalagdaang Business deals sa pagitan ng mga Filipino at Jordanian company.
Kkabilang din sa inaasahang maglalagdaan ng pamahalaan ng Pilipinas at Jordan ang ilang mga kasunduang may kaugnayan sa Labor, Defense at Foreign affairs.
Isang araw naman bago tumulak pabalik ng Davao city sa Sabado, makipagkita rin si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Jordan.
=============