Pangulong Duterte , haharapin ang imbestigasyon ng International Criminal Court pagkatapos ng kanyang termino sa 2022
Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa anumang uri ng imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC.
Taliwas ito sa unang paninindigan ng Pangulo na walang hurisdiksiyon ang ICC sa kanya dahil bukod sa gumagana ang criminal justice system sa bansa ay kumalas na ang Pilipinas sa International Criminal Court.
Ayon sa Pangulo, haharapin niya ang lahat ng kaso sa ICC oras na matapos ang kanyang termino sa 2022.
Kinasuhan si Pangulong Duterte sa ICC dahil sa umanoy madugong anti drug war campaign ng kanyang administrasyon at nalabag na karapatang pangtao ng mga drug suspects.
Sinabi ng Pangulo sa mga nagsampa ng kaso sa ICC na huwag magsinungaling at huwag mag-imbento ng mga pekeng ebidensya.
Inihayag ng Pangulo na paghahandaan niya ang kanyang depensa sa ICC.
Vic Somintac