Pangulong Duterte handang maging adviser sa susunod na administrasyon sa pagresolba sa problema ng bansa dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19
Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na maging adviser ng susunod na administrasyon para maresolba ang ibat-ibang problema ng bansa partikular ang epekto ng pandemya ng COVID-19.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People para magbigay ng update sa publiko hinggil sa ginagawang hakbang ng pamahalaan para labanan ang COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Pangulo, hindi maikakaila na malaki ang problemang kinakaharap ng bansa partikular sa pera o pondo na kakailanganin.
Umaasa naman ang Pangulo na darating ang araw sa pamamagitan ng pagtutulungan ay aangat ang buhay at kabuhayan ng bansa.
Magugunitang dahil sa kakulangan ng pera inutang ng gobyerno sa mga international financial institutions ang ipinambibili ng anti COVID-19 vaccine.
Vic Somintac