Pangulong Duterte handang tanggapin ang epekto sa build build build program kapag inamiyendahan ng kongreso ang TRAIN law
Walang magagawa ang Malakanyang kapag magpasiya ang kongreso na amyendahan ang Tax Reform and Inclusion o TRAIN law.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kamay ng kongreso ang desisyon sa anumang batas na babaguhin.
Ayon sa pangulo handa niyang tanggapin ang epekto ng pag-amyenda sa TRAIN law sa build build build program ng pahalaan
Ang kinokolektang excise tax sa TRAIN law ay ginagamit para pondohan ang mga infrastructure projects ng administrasyon sa ilalim ng build build build program.
Plano ng mga mambabatas na amyendahan ang train law dahil sa epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin na nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan.
Ulat ni Vic Somintac