Pangulong Duterte hihintayin pa ang resulta ng imbestigasyon ng Kongreso sa bago pagpasyahan ang kapalaran ni Customs Comm. Faeldon

Aminado ang mga Senador na hindi pa mapagpasyahan ni Pangulong Duterte kung sisibakin sa pwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa kabila ito ng kontrobersiya sa pagpapalusot ng mahigit animaraang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 6.4 billion pesos.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, hinihintay pa ng Pangulo ang resulta ng imbestigasyon ng Kongrteso kung paano nakalusot ang mga kargamento.

Inamin ni Sotto na isa ang kaso ni Faeldon sa mga isyung natalakay sa meeting nila kagabi sa Pangulo.

Tumanggi naman ang Pangulo na idetalye sa kanila kung ano ang paliwanag ni Faeldon sa isyu.

Pero ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang pahiwatig ang Pangulo kung buo pa ang tiwala nito kay Faeldon.

Nabatid na bago ang meeting ng Pangulo sa mga mambabatas, personal nitong kinausap si Faeldon kaugnay sa kaso ng smuggling ng shabu.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *