Pangulong Duterte hindi brabrasuhin ang kongreso para lamang mapagtibay na ang 2019 national budget ayon sa Malakanyang

Hindi gagamit ng impluwensiya si Pangulong Rodrigo Duterte para lamang mapagtibay na ang 2019 national budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ma hindi ugali ni Pangulong Duterte na diktahan ang kanyang mga kaalyado sa kongreso para maipasa na ang national budget.

Ayon kay Panelo kung ginusto ng pangulo na barasuhin ang kongreso noon pa niya ginawa at hindi na humantong sa re-enacted budget.

Inihayag ni Panelo ang gusto ng pangulo ay dumaan sa tamang proseso ang pagpapatibay sa national budget.

Umaasa ang Malakanyang na bago mag-recess ang session ng kongreso ay aprubado na ang bicameral conference committee report sa national budget para mapirmahan na ng pangulo.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *