Pangulong Duterte, hindi na kailangang magpaliwanag sa pagsibak kay VP Leni Robredo bilang co-chair sa ICAD – Malakanyang
Hindi na kailangan pang magpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti Illegal Drugs o ICAD.
Sinabi ni Panelo na lahat ng presidential appointee ay naninilbihan batay sa tiwala ng Pangulo.
Ayon kay Panelo mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na nawalan siya ng tiwala kay Robredo.
Inihayag ni Panelo na nawalan ng kumpiyansa ang Pangulo kay Robredo nang gusto niyang kunsultahin ang US Intelligence at United Nations Human Rights sa kampanya laban sa iligal na droga.
Magugunitang pangunahing kritiko sa War on Drugs ng administrasyon ang US at UN dahil sa isyu ng human rights violations at extra judicial killings.
Ulat ni Vic Somintac