Pangulong Duterte , hindi na pinaunlakan ang imbitasyon ng Amerika para dumalo sa ASEAN-US special summit sa susunod na buwan
Tinanggihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Estados Unidos para dumalo sa ASEAN – US Special Summit na nakatakda sa May 11 hanggang 13.
Sinabi ng Pangulo na nagpasiya siyang tanggihan ang imbitasyon ng Amerika dahil papatapos na ang kanyang termino.
Ayon sa Pangulo, kung pupunta pa siya sa naturang summit ay pangit tingnan dahil malinaw na may papalit na sa kanya matapos ang halalan sa Mayo.
Inihayag ng Pangulo na baka may mga mabuong agreement o commitment doon na kanyang tindigan at sa bandang huli ay iba ang magiging paninindigan ng papalit sa kanyang Presidente.
Dahil dito sa loob ng termino ng Pangulo ay hindi ito nagpunta sa Estados Unidos.
Vic Somintac