Pangulong Duterte, hindi papayag na gawing launching pad ng Amerika ang Pilipinas sa pag-atake sa Iran
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang gawing lauching pad ng Amerika ng kanilang military hardware ang Pilipinas sa gagawing pag-atake sa Iran.
Sinabi ng Pangulo na bagamat may mga defense agreement ang Pilipinas at US tulad ng Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at Enhance Defense Cooperation Agreement kinakailangan pa ring mangibabaw ang interes ng bansa.
Ayon sa Pangulo ang maaaring pahintulutan niya ay ang refuelling ng mga naval at air assets ng Amerika bagay na kalakaran naman kahit sa alinmang bansa na mapapadaan sa teritoryo ng Pilipinas.
Inihayag ng Pangulo na ang pangunahing pinagtituunan ng gobyerno ay ang kaligtasan ng mga pinoy sa Iran at Iraq.
Niliwanag ng Pangulo na nakalatag na ang Plan A at Plan B sa gagawing evacuation sa mga Pinoy sa Iran at Iraq.
Ulat ni Vic Somintac