Pangulong Duterte , hindi tutuloy sa pagkandidato sa pagka bise presidente kung tatakbo sa pagka-pangulo si Davao city Mayor Sarah Duterte sa 2022 elections
Hindi tatakbo sa pagka Bise Presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa halalan sa 2022 kung kakandidato sa pagka Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos pumutok ang impormasyon na inalis o inedit sa recorded Talk to the People ni Pangulong Duterte ang kanyang pahayag na hindi siya tutuloy sa pagkandidato bilang Vice President kung tatakbong Presidente si Mayor Sarah.
Ayon kay Roque, pormal na inanunsiyo ng Pangulo sa Talk to the People ang pagtanggap niya sa endorsement ng kanilang paksiyon ng partidong PDP Laban para maging Vice Presidential candidate sa 2022 elections.
Inihayag ni Roque, pagkatapos sabihin ng Pangulo na kakandidato siyang Vice President ay idinugtong niya na kung tatakbo sa pangka Pangulo si Mayor Sarah ay hindi siya tutuloy sa pagkandidato dahil pangit umanong tingnan ang dalawang Duterte na hahawak ng dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Hindi naman maipaliwanag ni Roque kung sino ang nag-utos na i-edit ang sinabi ng Pangulo na hindi siya tutuloy sa pagkandidato sa pagka Bise Presidente kung tatakbo sa pagka Pangulo si Mayor Sarah.
Vic Somintac