Pangulong Duterte hiniling na sa Kongreso na magsagawa ng joint session para talakayin ang Martial Law extension
Magpapatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte sa Sabado para talakayin ang Martial Law extension.
Ito ang kinumpirma ni Senate Majority Leader Vicente Sotto matapos ang pakikipag usap ng Majority coalition sa Pangulo sa Malacanang.
Ayon kay Sotto batay sa kahilingan ng Pangulo, magdaraos ng joint session sa Sabado alas nueve ng umaga para talakayin ang Martial Law extension na maaring tumagal muli ng animnapung araw.
Ulat ni: Mean Corvera
Sa sabado mag e expire ang 60 day martial law period na una nang idineklara ng pangulp matapos ang pagsalakay ng grupong maute sa marawi city noong may 23
Pero dahil naka sine die break ang kongreso at magbabalik sesyon sa july 24, nais na ng pangulo na agad matalakay ang isyu sa pamamagitan ng special session.
Sa ilalim ng saligang batas obligado ang pangulo na dumulog sa kongreso para palawigin ang deklarasyon ng batas militar.