Pangulong Duterte , hiniling sa COMELEC na magpalabas ng guidelines sa mga isinasagawang political activities dahil parin sa banta ng COVID-19
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections o COMELEC na maglabas ng mga reglamento sa mga isinasagawang political gatherings ng mga politikong tumatakbo para sa halalan sa susunod na taon.
Sa kanyang regular Talk to the People sinabi ng Pangulo na ang COMELEC ang supervising agency sa pangangasiwa sa isasagawang halalan kaya pananagutan nito na isaayos ang mga political activities dahil kasalukuyan paring tumatawid ang bansa sa pandemya ng COVID-19.
Ayon sa Pangulo hindi tutol ang administrasyon sa mga isinasagawang political activities basta masiguro lamang na nasusunod ang standard health protocol tulad ng social distancing.
Inihayag ng Pangulo na hanggat hindi idinedeklara ng mga health experts na ligtas na ang lahat sa COVID-19 kailangang parin ang ibayong pag-iingat.
Vic Somintac