Pangulong Duterte, inatasan ang DOJ at Bucor na huwag ilabas si Sanchez – ayon kay Senador Bong Go
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Justice secretary Menardo Guevarra at Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon na huwag palayain ang convicted rapist na si Antonio Sanchez.
Sinabi ni Senador Christopher Bong Go na nang malaman ng Pangulo ang balita sa mga palalayaing bilanggo, agad tinawagan ng pangulo sina Guevarra at Faeldon.
Nagalit aniya ang Pangulo na ang pagbabatayan sa posibleng pagpapalaya kay Sanchez at ang umano’y pagpapaikli sa kaniyang sentensya dahil sa magandang pag-uugali sa bilangguan samantalang karumal-dumal ang kanyang ginawang krimen.
Sinabi ni Go na abugado ang Pangulo at pinag-aralan niya ang batas.
Senador Bong Go:
“Abugado po ang Pangulo. pinag-aaralan niya ang batas. excluded po si Sanchez dun sa Republic Act no. 10592. sa Section 1, excluded ang lahat ng heinous crimes”.
Iginiit aniya ng Pangulo na batay sa Section 1 ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance law, hindi kasama ang mga heinous crime sa mga maaaring paikliiin ang sentensya.
Tiniyak naman ng Senador na ikakampanya nya ang pagbabalik sa death penalty para sa mga heinous crimes tulad ng rape.
Samantala, si Senador Juan Miguel Zubiri ay maghahain na rin ng panukalang batas para paamyendahan ang RA 10592.
Nais ni Zubiri na linawin sa batas na ang mga nahatulan sa heinous crimes gaya ng murder, drug trafficking at kidnap for ransom ay hindi maaring mag-avail sa programa.
Naniniwala si Zubiri na masyadong mapanganib kung palalayain muli ang naturang mga kriminal.
Maaari kasi aniya nilang buweltahan ang pamilya ng mga nagsampa ng kaso laban sa kanila.
Senador Zubiri:
(“Good conduct law by making it specific that convicts of heinous crimes especially those such as murder, drug trafficking, kidnap for ransom and other highly dangerous criminals cannot avail of the program period. this individuals are too dangerous-to release back in the streets and imagine the families and individuals who testified against them will be in extreme danger. all a dangerous criminal has to do is to pretend to be very nice for a decade and then applies for the program and he is released from his predicament only to get back at those who filed and testified against him”.
Ulat ni Meanne Corvera