Pangulong Duterte, inutos ang nationwide ban sa pag inom ng alak sa mga lansangan
Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide ban sa pag inom ng alak sa mga lansangan sa kanyang pagdalo sa opening ng 6th Mandatory Continuing Legal Education-accredited National Convention of Public Attorneys sa Manila Hotel.
Ibinilin ng Pangulo sa lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan ang pag aresto sa sinumang mahuhuling umiinom ng alak sa mga kalye.
Sa kaniyang talumpati ipinaliwanag ng Pangulo ang pag-ban sa pag inom ng alak sa mga kalye dahil ang mga manginginom ay kadalasang nagiging mayabang kaya’t nagreresulta ito sa mga awayan na nagdudulot ng inconvenience at takot sa mga mamamayan.
Ayon pa sa Pangulo, bawal din ang loitering o pagtambay kaya’t iniutos niya ito sa mga pulis na kapag may nakita silang lumalabag dito ay dapat agad arestuhin.
Dagdag pa ni Duterte, meron naming Public Attorney’s Office na tutulong upang makalabas agad ang mga naarestong lalabag sa kaniyang order.
Naging epektibo at nanatili ang peace and order noong ipinanukala ng Pangulo ang pag-ban sa pag inom sa kalye sa Davao City noong Mayor pa ito.
Ulat ni: Bea Miranda