Pangulong Duterte ipapatigil ang kampanya sa mga tambay kung idedeklara ng Korte Suprema na ilegal
Handang ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa mga tambay kung idedeklara ito ng Korte Suprema na ilegal.
Sinabi ng pangulo na handa niyang sundin ang magiging desisyon ng Korte Suprema.
Ayon sa pangulo ito ang dahilan kaya hinahamon niya ang mga tutol sa kampanya sa mga tambay na kuwestiyunin na lang ito sa Korte Suprema.
Inihayag ng pangulo na kapag itinigil ang kampanya sa mga tambay at iba pang anti criminality campaign ng pamahalaan lala ang krimen na isisisi na naman ng kanyang mga kritiko sa administrasyon.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: