Pangulong Duterte, isinulong sa APEC business advisory council meeting ang pagtutulungan para sa COVID-19 pandemic recovery at climate change
Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual meeting sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Business Advisory Council o ABAC.
Isinulong ng Pangulo sa ABAC meeting ang pagtutulungan ng mga APEC member countries sa pamamagitan ng private public partnership para sa comprehensive recovery strategy dulot ng pandemya ng COVID -19 ganun din ang pagharap sa problema sa climate change.
Ayon sa Pangulo kailangan din ang pagtutulungan ng mga bansa upang makatugon ang mga developing countries sa pagsusulong ng mga digital infrastructure sa pamamagitan ng digital literacy sa mga rural communities para magkaroon ng abot kayang low carbon energy supply.
Binanggit din ng Pangulo ang pagtutulungan ng APEC member countries para sa social protection na naaayon sa International Labor Organization Standard.
Vic Somintac