Pangulong Duterte, kinastigo ni Sen. Lacson sa isyu ng paglusot ng illegal drugs sa BOC

Binanatan ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Duterte dahil sa tila pagbalewala at pagsasawalang kibo nito sa mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu na lumusot sa Bureau of Customs.

Kwestyon ni Lacson, tila hindi nagalit ang Pangulo na nakalusot ang 605 kilos ng high grade shabu gayong matindi ang ginagawa nitong giyera kontra illegal na droga.

Nauna nang sinabi ni Lacson na malinaw na may mga ebidensiyang nakipagsabwatan ang may ari ng shipment na si Richard Tan sa Customs kaya nakalusot ang kargamento.

Noong nakaraang linggo sinabi na ng Pangulo na hihintayin muna nito ang reaulta ng imbestigasyon ng Kamara at Senado bago aksyunan kung sisibakin si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Nagsumite na ng resignation letter sa Pangulo sina Army Captain Milo Maestrecampo, Chief ng Customs Import Assessment Service at Marine Colonel Neil Anthony Estrella ng Customs Intelligence and Investigation Bureau pero wala pang impormasyon kung tinanggap na ito ng Pangulo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *