Pangulong Duterte , kinilala ang kabayanihan ng mga medical frontliner
Nagpadala ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng digmaan sa Mactan sa pagitan ni Lapu-Lapu at mananakop na dayuhan na si Ferdinand Magellan.
Ginunita ng Pangulo ang katapangan ni Lapu-Lapu dahil hindi naduwag na harapin ang mga dayuhang mananakop hanggang sa mapatay si Magellan sa tinaguriang Battle of Mactan.
Sinabi ng Pangulo na dapat humugot ng lakas at tapang ang mga filipino sa mga bayani na naunang nagtanggol sa kalayaan ng bansa.
Ayon sa Pangulo ganito rin ang ginagawa ng mga medical frontliners na buong tapang na hinaharap ang pandemya ng COVID 19 para mailigtas ang mga tinatamaan ng nakamamatay na corona virus.
Inihayag ng Pangulo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat mapagtatagumpayan natin ang pandemya ng COVID 19 para muling makabangon bilang isang malakas na bansa.
Vic Somintac