Pangulong Duterte kontra sa Divorce Law na isinusulong sa Kongreso

Hindi pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa Divorce law na isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat noong una ay ayaw magkomento ang Pangulo subalit nagkabotohan na sa Kongreso at pumasa na sa second reading nagbigay na ng posisyon ang Presidente.

Ayon kay Roque tutol ang Pangulo sa pagkakaroon ng divorce law sa bansa.

Inihayag ni Roque nababahala ang Pangulo sa Divorce law dahil mawawalan ng karapatan ang mga anak at asawa na habulin ang nagpabayang asawa sa kanyang pamilya.

Ang Divorce law ay pangunahing panukalang batas na isinusulong mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *