Pangulong Duterte kumambiyo, hindi na magpapadala ng warship sa Libya para iligtas ang dalawang Pinoy na bihag

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong banta na magpapadala ng Frigates naval warship sa Libya para iligtas ang dalawang pinoy na binihag ng mga rebelde sa Libya.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na sa halip na warship ay isang high level mission o task force ang kanyang binuo para makipagnegosayon sa kaligtasan ng dalawang bihag na pinoy.

Ayon kay Roque ang task force ay pamumunuan mismo ni Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano.

Inihayag ni Roque pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng dalawang bihag na pinoy sa Libya.

 

Ulat ni Vic Somintac 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *