Pangulong Duterte, kuntento sa ginawang paghahanda ng mga LGU sa bagyong Rolly
Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Local Government Units o mga LGUs na dinaanan ng bagyong Rolly dahil sa maagap na hakbang para mabawasan ang epekto ng kalamidad sa kanilang area of responsibility.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ginawa ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang kanilang buong makakaya para iiwas sa anumang kapahamakan ang kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Roque sa kabila ng maagang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Rolly ay hindi parin naiwasan na mayroon paring mga casualties lalo na sa Bicol region na matinding hinagupit ng bagyong Rolly na nasa kategoryang super typhoon.
Inihayag ni Roque mananatili ang no casaulty policy ng pamahalaan sa panahon ng paghahanda sa pananalasa ng kalamidad sa bansa.
Batay sa record nasa humigit kumulang sa 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon at karamihan ay malalakas na nagdudulot ng pinsala sa buhay at ari-arian.
Vic Somintac