Pangulong Duterte maaring maharap sa reklamong impeachment kapag ipinilit ang pagpapasara sa Kapa Community Ministry International Inc.
Maaari umanong magsampa ng class suit at impeachment complaint ang mga miyembro ng Kapa community ministry International Inc. laban sa gobyerno at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kung ipipilit ng Pangulo ang ang pagpapasara sa religious organization na nakabase sa Surigao del Sur dahil sa pag-solicit ng pondo sa mga miyembro nito.
Ayon kay Trillanes, Culpable violation of the Constitution ang maaring isampa ng mga miyembro ng Kapa dahil sa paglabag at pagbalewala sa kanilang Freedom of Religion,
Paliwanag ni Trillanes, kung totoo na ang Kapa ay naka-rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang religious organization at ang investment ay donasyon, walang karapatan ang gobyerno na ipatigil ang kanilang operasyon.
Hindi aniya maaring pakiaalaman ng gobyerno ang miyembro ng isang religious organization kahit pa i-donate nito ang lahat ng kaniyang pera o properties.
Paalala ni Trillanes hindi maaaring kasuhan ng syndicated Estafa ang Kapa dahil wala namang nagsasampa ng reklamo laban sa kanila.
Sa ngayon dapat aniyang payagan ng gobyerno na payagan na pansamantalang mag-operate ang Kapa para maibalik sa kanilang mga miyembro ang kinolektang pondo.
Habang may isinasagawang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng paglabag ng religious organization dapat payagan muna ang Kapa na pansamantalang mag-operate.
Pero kasabay nito dapat aniyang gumawa ng inventory ang gobyerno sa mga properties at iba pang mga ari-arian ng Kapa para sa distribution plan sa mga apektadong miyembro.
Senador Trillanes:
Habang iniimbestigahan nila kung ano man ang violation payagan ang Kapa na mag-operate temporarily at least 30 days para mabigyan ito ng pagkakataong isauli ang mga naiwang pera na hawak nila para sa kanilang miyembro. Gayundin sa lalong madaling panahon gumawa ang gobyerno ng inventory ng mga nakuha nilang pera or property mula sa kapa at gumawa ng distribution plan.