Pangulong Duterte magbibigay ng 1 milyong dolyar na kontribusyon sa COVAX facility ng WHO para sa anti COVID 19 vaccine
Magbibigay ng isang milyong dolyar na kontribusyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVAX Facility ng World Health Organization o WHO para pandagdag na pambili ng anti COVID 19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang regular weekly Talk to the People.
Ayon sa Pangulo bilang pagtanaw ng utang na loob sa COVAX Facility magbibigay ng kontribusyon ang Pilipinas.
The Philippines welcomed tonight the arrival of 193,050 doses of Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines via DHL Plane Flight LD457 in NAIA Terminal 2, Pasay City on Monday night, May 10, 2021 (Photo courtesy PCOO)
Sinabi ng Pangulo na kabilang ang Pilipinas sa unang nakinabang sa donasyong bakuna ng COVAX Facility na ginamit sa umpisa ng mass vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID 19 noong buwan ng Marso.
Inihayag ng Pangulo ngayong nangangailangan ng pondo ang COVAX Facility para ipambili pa ng anti COVID 19 vaccine na idodonate sa mga mahihirap na bansa ay hindi magdadamot ang Pilipinas kahit sa pamamagitan ng maliit na halagang nakayanan ng pamahalaan.
Matatandaan na galing sa COVAX Facility ng WHO ang AstraZeneca at Pfizer anti COVID 19 vaccine na ginamit ng Pilipinas.
Vic Somintac