Pangulong Duterte maglalaan ng 47 bilyong pesos para sa rehabilitation ng Manila Bay
Kinumpirma ni Bugdet Secretary Benjamin Diokno na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilinis ng Manila Bay at inaprubahan rin ang malaking pondo para dito.
Sinabi ni Diokno nagprisinta si DENR Secretary Roy Cimatu tungkol sa problema ng polusyon ng Manila Bay na tumatagal na ng dekada.
Ayon kay Diokno, pumayag ang Pangulo na gamitan ng 47 billion pesos para sa pitong taong rehabilitasyon ng Manila Bay.
Gagamitin ito para sa paglilinis ng baybayin ng Manila Bay, istero, at paglilipat ng mga informal settlers.
Paglilinaw naman ni Diokno ang 47 billion pesos na pondo ay subject pa sa annual programming o taon taon na paglalaan ng pondo ng gobyerno.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, kukunin ang pondong kailangan ng Manila Bay sa special road funds o road users tax sa sandaling mabuwag na ang Road Board.
Ulat ni Vic Somintac