Pangulong Duterte, maglalabas ng desisyon sa April 15 kung sino ang mananagot sa water shortage sa Metro Manila

Maglalabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa April 15 kung sino ang mananagot sa water supply shortage sa Metro Manila.

Sinabi ng Pangulo na pagkatapos niyang matanggap ang konkretong report na kanyang hinihingi sa pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS sa April 10 ay saka lamang siya maglalabas ng kaukulang hakbang.

Ayon sa Pangulo kailangan niyang malaman ang puno at dulo ng problema ng water shortage sa Metro Manila.

Nauna ng sinabon ng Pangulo ang mga opisyal ng MWSS at National Water Resources Board o NWRB maging ang mga opisyal ng Manila Water at Maynilad.

Nagbanta pa ang Pangulo na kung hindi siya kumbinsido sa kanilang report ay sisibakin niya ang mga ito sa puwesto at kakanselahin ang concession agreement ng gobyerno sa Manila Water at Maynilad.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *