Pangulong Duterte magpapatawag ng special meeting ng gabinete, negosyante, militar at pulisya kaugnay ng gulong nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine
Pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng gabinete kasama ang mga negosyante, militar at pulisya para paghandaan ang magiging tugon ng pamahalaan sa epekto ng giyerang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang makuha ang opinyon ng ibat-ibang sektor lalo na sa isyu ng ekonomiya at seguridad dahil sa kaganapan sa Ukraine.
Itinalaga ng Pangulo si Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles upang magbigay ng regular na ulat hinggil sa magiging tugon ng pamahalaan sa krisis sa Ukraine.
Ginawa ng Pangulo ang hakbang matapos bomoto ang Pilipinas ng pabor sa resolusyon ng United Nations na kumokondena sa ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine.
Vic Somintac