Pangulong Duterte, magtutungo sa Kuwait sa Marso
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti government na bumisita sa kanilang bansa.
Ang confidential invitation ng Kuwait ay ipinahayag rin ng Pangulo sa kaniyang naging talumpati sa Malakanyang kamakailan.
Sa pagtungo ng Pangulo sa Kuwait sa susunod na buwan, kakausapin niya ang mga opisyal ng pamahalaan sa nasabing bansa.
Kasunod ito ng mga nangyayaring pang-aabuso sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa nasabing bansa at ang nangyaring pagkamatay ng ilang mga OFWs doon.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inimbitahan ng Kuwait ang Pangulo dahil nais nilang tiyakin sa pamahalaang Pilipinas na pinoprotektahan ng Kuwait ang mga manggagawang Pinoy doon.
=== end ===