Pangulong Duterte, magtutungo sa South Korea para dumalo sa 2019 Asean Republic of South Korea commemorative summit
Bibiyahe patungong Busan South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 2019 ASEAN Republic of South Korea commemorative summit.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary to ASEAN Affairs Junever Mahilum West gaganapin ang summit sa Nobyembre a-bente singko hanggang a-bente sais.
Pangunahing tatatalakayin sa summit ang pagpapalitan ng kuro-kuro at pananaw ng mga lider ng estado sa regional security issue partikular na ang kasalukuyang sitwasyon sa Korean Peninsula.
Bukod dito pag-uusapan din ang direksyon at ugnayan ng ASEAN member countries at Republic of South Korea.
Makakasama ng Pangulo sa biyahe ang ilang myembro ng kaniyang gabinete kabilang ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry at Department of Social Welfare and Development.
Magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kay South Korean President Moon Jae-in kung saan ilang kasunduan ang inaasahang lalagdaan.
Ito na ang ikalawang pagbisita ng Pangulo sa South Korea na nataon naman sa ika-70 anibersaryo ng paglakatatag ng diplomatic relation ng Pilipinas at South Korea.
Ulat ni Vic Somintac