Pangulong Duterte mamalagi muna sa Davao matapos mapasok ng COVID-19 ang ilang opisina sa Malakanyang
Hindi muna pupunta sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte dahil napasok na ng COVID-19 ang ilang tanggapan sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na isa sa matinding tinamaan ng COVID 19 ay ang Presidential Protocol Office na nangangasiwa sa araw-araw na schedule ng Pangulo.
Ayon kay Nograles isinailalim na sa mandatory isolation at quarantine ang mga empliado sa Malakanyang na nagpositibo sa COVID19 ganun din ang mga naging direct contact.
Inihayag ni Nograles mayroon skeletal force ang mga tanggapan sa Malakanyang na apektado ng kaso ng COVID 19 para hindi maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Tiniyak naman ni Nograles na nanatiling ligtas ang Pangulo sa COVID-19 dahil mahigpit ang security at health protocol na ipinatutupad ng pamunuan ng Presidential Security Group o PSG.
Vic Somintac