Pangulong Duterte may isinagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpapalaya ng BuCor sa convicted criminals
(Radyo Agila) Nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na pagpapalaya sa mga bilanggo sa itinatakda ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go na partikular na nais malaman ng Pangulo kung nagkaroon ba ng korapsyon kapalit ng paglaya ng mga convicted criminals.
Hinihintay na lamang aniya ng Pangulo ang resulta ng ginagawang review sa Implementing Rules ang Regulations (IRR).
Ang review ay nauna nang ipinag-utos ni Justice secretary Menardo Guevarra matapos matanggap ang balitang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Iginiit ni Senador Go na galit ang Pangulo sa nangyari at nais nitong may managot.
Nais aniya ng Pangulo na papanagutin ang lahat ng mga opisyal mula sa mga bumalangkas ng IRR hanggang sa mga nagpatupad nito.
Pero hindi pa masabi ni Go kung sisibakin sa pwesto si Faeldon.
Meanne Corvera