Pangulong Duterte may mahigpit na bilin sa mga bagong graduate ng PNPA
Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA Alab-Kalis class of 2022 na dapat tuparin ang kanilang tungkulin ng naayon sa batas.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa ika-43 graduation ceremony ng PNPA sa Camp General Mariano Castañeda Silang Cavite kung saan siya panauhing pandangal.
Sinabi ng Pangulo na bilang mga lingkod bayan kailangang ipagpauna ang kapakanan ng mga mamamayan at huwag lalagpas sa legal parameters sa pagtupad ng tungkulin.
Ayon sa Pangulo kailangan din tumulong ang mga bagong opisyal ng Philippine National Police o PNP sa pagpapanatili ng maayos at mapayapang halalan sa Mayo.
Ang PNPA Alab-Kalis class of 2022 ay binubuo ng 229 na kadete 201 ang lalake at 28 ang babae sa pangunguna ng kanilang Class Valedictorian na si Police Cadet Ernie Padernilla.
Vic Somintac