Pangulong Duterte mayroon na lamang hanggang Pebrero 26 para punan ang bakanteng pwesto sa Supreme Court

Mayroon na lamang hanggang sa susunod na Martes, Pebrero 26 si Pangulong Duterte para magtalaga ng isang bagong associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para sa binakanteng pwesto ni ngayo’y Chief Justice Lucas Bersamin.

Ayon kay  JBC ex officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, sa Pebrero 26 papatak ang ika-90 araw mula nang ideklarang bakante ang posisyon ni Bersamin matapos itong italagang punong mahistrado.

Alinsunod sa Saligang Batas, kailangang mapunan ang posisyon sa Supreme Court sa loob ng 90 araw buhat nang ito ay mabakante.

Naisumite na noong Biyernees ng Judicial and Bar Council sa Malacañang ang shortlist para sa nasabing pwesto sa Supreme Court.

Bukod sa pwestong binakante ni Bersamin, inaantabayanan pa rin ang itatalaga ni Pangulong Duterte para sa nabakanteng pwesto ni SC Justice Noel Tijam na nagretiro noong Enero.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *