Pangulong Duterte, naaalarma sa umano’y dumaraming kaso ng psycho-social problem ng bansa

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa napaulat na dumarami ang nakararanas ng Psychosocial problem dahil sa epekto ng Pandemya ng Covid-19.

Dahil dito inatasan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensia ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Health o DOH na tutukan ang problema.

Batay sa report ,maraming mamamayan ang nakararanas ng depresyon dahil sa problema sa buhay at kabuhayan lalo na ang mga nawalan ng trabaho dulot ng Covid Pandemic.

Sinabi ng Pangulo nais niyang palakasin ang mental health ng publiko upang malabanan ang mga problema na kinakarap dahil sa epekto ng covid 19.

Inihayag ng Pangulo sa sandaling maging batas ang Bayanihan 2, We Recover as One Law, magagamit ang pondong nakalaaan para sa economic recovery na pakikinabangan ng mga maliliit na negosyante at mga nawalan ng trabaho dahil sa Pandemya ng Covid-19.

*Vic Somintac*

 
Please follow and like us: