Pangulong Duterte , nababahala na sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID -19 sa bansa
Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa bansa.
Sa kanyang regular weekly talk to the people sinabi ng Pangulo na hindi niya malaman kung dahil ba sa epekto ng paglabas na ng maraming tao dahil karamihan ay naghahanap buhay na para sa ekonomiya kaya hindi maawat ang pagdami ng kaso ng COVID 19 sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ayon sa Pangulo hindi na kakayanin pa ng pamahalaan kung muling magpapatupad ng total lockdown dahil lugmok na lugmok na ang ekonomiya ng bansa.
Inihayag ng Pangulo isa sa pangunahing problema ay ang hindi pagsunod ng marami sa ipinatutupad na standard health protocol na mask hugas iwas kaya patuloy na dumarami ang kaso ng COVID 19 na umabot na sa mahigit limang daang libo ang tinamaan ng virus.
Niliwanag ng Pangulo na binabantayan din ngayon ng mga health expert ang United Kingdom variant ng COVID 19 na nakapasok na sa Cordillera Region.
Ang pagpasok sa bansa ng United Kingdom variant ng COVID 19 ang dahilan kaya hindi pinagtibay ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force o IATF na payagan ng makalabas ang mga batang may edad 10 taon gulang pataas.
Vic Somintac