Pangulong Duterte nababahala sa muling pagtaas ng kaso ng COVID -19-Malakanyang
Kinumpirma ng Malakanyang na nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na inalerto na ng Inter Agency Task Force o IATF ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang paghandaan ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Nograles ang pagharap sa pandemya ng COVID-19 ay hindi lamang pananagutan ng pamahalaan kundi kasama dito ang publiko.
Iginiit ni Nograles dapat mahigpit na ipatupad ng mga Local Government Units o LGUS sa kanilang area of responsibility ang standard health protocols na mask hugas iwas at bakuna.
Inihayag ni Nograles pananagutan ng mga LGU’s ang pagpapatupad ng granular lockdown kapag nakitang may pagtaas na ng kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Vic Somintac