Pangulong Duterte nag-alok ng ₱10M na pabuya para sa ikadarakip ni ASG leader Isnilon Hapilon
Sampung milyong piso ang inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikadarakip ni Abu Sayaff leader at sinasabing “emir” ng Islamic State of Iraq and Syria oISIS na si Isnilon Hapilon.
Bukod kay Hapilon, nag-alok rin ng tig-5 milyong pisong pabuya si Pangulong Duterte para naman sa ikadarakip ng dalawang Maute brothers na sina Abdullah at Omar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Chief General Eduardo Año, si Hapilon ay mayroong outstanding arrest warrant para sa kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention.
Sinabi ni Año na malaki ang maitutulong ng naging panawagang ito ng Pangulong Duterte para tuluyan nang madakip ang nasabing mga terorista at magiging daan din para tuluyan nang mawakasan ang mga kaguluhan sa Maraw City.