Pangulong Duterte, nagbabala sa posibilidad ng pagkakaroon ng ‘civil war’ sa Mindanao

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng pagkakaroon ng ‘civil war’ sa Mindanao kung hindi agad na maipagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at mga Moro separatist group.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay agarang matuloy ang usapang pangkapayapaan upang hindi na lumalapa ang gulo sa Mindanao region.

Paliwanag pa ng Pangulo, kung magpapatuloy ang paghahasik ng kaguluhan ng mga miyembro ng Maute terror group sa Marawi City at kumalat pa ito sa ibang lugar, may posibilidad na mapuno na ang mga Kristiyano at magbitbit na rin ng armas upang labanan ang grupo.

Sakaling mangyari ito magkakaroon aniya ng civil o communal war ang mga Muslim at Kristiyano.

Ito aniya ang dahilan kaya’t nagdeklara siya ng Martial Law upang mapigilan ang mas malaking gulo.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *