Pangulong Duterte, nagbanta na magdedeklara ng Martial Law sa bansa kapag hindi tumigil ang NPA sa panggugulo sa panahon ng Covid-19
Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng komunista na tigilan ang ginagawang paghahasik ng karahasan sa bansa habang hinaharap ng bansa ang problema sa Covid 19.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang balak na magdeklara ng Martial Law.
Pero maaari niyang ikunsidera ang pagdedeklara ng Batas Militar kapag hindi tumigil ang mga rebeldeng New Peoples Army o NPA sa pagpatay sa mga sundalo at pang-aagaw ng mga food supplies sa panahon ng pagharap sa krisis.
Inihayag ng Pangulo na sa nalalabing dalawang taon ng kanyang administrasyon ay tatapusin niya ang panggugulo ng mga rebeldeng komunista.
Ulat ni Vic Somintac