Pangulong Duterte nagbantang gagamit ng emergency power para wakasan ang lumalalang karahasan sa Negros Oriental
Pikon na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga karahasang inihahasik ng New People’s Army o NPA sa lalawigan ng Negros Oriental.
Sa statement na inilabas ng Malakanyang sobra na ang ginagawa ng New peoples Army kaya ikinukunsidera na ng Chief Executive na gamitin ang kanyang emergency power upang mawakasan ang gulong inihahasik ng mga rebeldeng grupo sa lalawigan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sinamantala na ng mga rebeldeng komunista ang nagaganap na land dispute sa Negros.
Inihayag ni Panelo na nagbabala na si Pangulong Duterte tatapatan ang inihahasik na kaguluhan ng NPA sa mga inosenteng sibilyan at mga otoridad sa lugar.
Nauna ng itinaas ng Pangulo sa limang milyong piso ang reward money sa sinomang makakahuli sa mga pumatay sa apat na pulis Negros buhay man o patay.
Ulat ni Vic Somintac