Pangulong Duterte, nagbigay ng mensahe sa sambayanang Filipino kaugnay ng Coronavirus disease
Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko kaugnay ng problemang dulot ng Corona Virus Disease 2019 o COVID 19.
Sinabi ng Pangulo na bagamat may tatlo ng kumpirmadong naitalang kaso ng COVID 19 sa bansa wala pang naitatalang local trasmission ng nakamamatay na virus.
Sinabi ng Pangulo na patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan sa pangunguna ng Department of Health at ibat-ibang ahensiya ng gobyerno katuwang ang World Health Organization o WHO para masolusyunan ang problema sa Corona Virus Disease 2019.
Ayon sa Pangulo maging ang mga Filipino na naipit sa mga bansang may kaso ng Corona Virus lalo na sa China ay handang saklolohan ng gobyerno.
Inihayag ng Pangulo na dapat makinig lamang ang publiko sa mga impormasyong nagmumula sa gobyerno upang maiwasan ang ibayong pagkabahala.
Umaasa ang Pangulo na malalagpasan ng bansa ang panganib na dulot ng Corona Virus Disease.
Ulat ni Vic Somintac