Pangulong Duterte , nagdeklara na ng state of calamity sa mga lugar na pininsala ng Bagyong Odette
Inilagay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang mga lugar na matinding pininsala ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sa regular weekly Talk to the People pinirmahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC na ilagay sa state of calamity ang Region 4B, 6, 7, 8, 10 at 13.
Sinabi ng Pangulo na mapapabilis ang pagbibigay ng tulong at rehabilitasyon sa mga lugar na napinsala ng bagyong Odette kapag nasa ilalim ng state of calamity.
Ayon sa Pangulo sa maipapatupad din ang price control sa mga pangunahing pangangailangan na maaaring pagsamantalahan ng mga tiwaling negosyante.
Inihayag ng Pangulo na muli niyang babalikan ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette para personal na makita ang developments sa isinasagawang search, rescue at relief operations.
Vic Somintac