PRRD, nagpaabot ng pagbati kay US President Biden at VP Harris
Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong US President Joe Biden at Vice President Khamala Harris matapos manumpa sa tungkulin.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matapos ang mga kontrobersiya sa halalan sa Amerika ay nanaig ang demokrasya dahil naging mapayapa ang pagsasalin ng kapangyarihan mula kay dating US President Donald Trump kay President Biden.
Ayon kay Roque umaasa ang Pilipinas na mananatling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Biden administration.
Inihayag ni Roque na mananatili ang independent foreign policy ng Duterte administration.
Niliwanag ni Roque na isusulong ng Pamahalaang Pilipinas ang interes ng mga Filipino sa international community tulad ng Amerika na isusulong din ang interes ng mga Amerikano.
Vic Somintac