Pangulong Duterte, nagpadala ng mensahe sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan

Hindi man personal na dumalo si Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng ika-76 na Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Dambana ng Kagitingan sa Mount Samat sa Pilar, Bataan nagpadala naman siya ng kanyang mensahe sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe na dapat alalahanin lagi ang kabayanihan ng mga beteranong Filipino na nakipaglaban sa pananakop ng mga dayuhan para sa kalayaan ng inang bayan.

Ang Pangulo ay hindi na nakapunta sa Bataan dahil naghahanda siya sa kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia sa Hainan Province sa China.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang Pangulo kay Chinese President Xi Jinping upang palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga gayundin ang economic interest ng Pilipinas at China.

Bago umuwi ng Pilipinas dadaan ang Pangulo sa Hongkong para malasalamuhan ang mga Overseas Filipino Workers doon.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *